Menu

ncr hymn

valenzuela hymn

vptnhs hymn

NCR Hymn

I

Bayang mahal nating lahat

tampok ng NCR

pusod nitong ating bansa

dulot kaunlaran

II

Taas noong iwagayway

ang bandila ng NCR

karunungan at katarungan

sa bansa ay itanghal

III

Mga lunsod ng NCR

sa puso ko’y dangal

ang adhikain isulong

ang tanging NCR

Chorus:

NCR, NCR dangal nitong bayan

NCR, NCR dangal nitong bayan

Repeat III

Repeat Chorus

Himig Valenzuela

I

‘Sang bayang payapa ay daan sa kaunlaran

Malinis na paligid, tanda ng kabutihan

Pagkakaisa at pagtutulungan

Mamamayang nagmamahal sa bayan.

II

Yaman at dangal ka ng bayan, kabataan

Tayo’y sama-sama, kapit bisig, magkaisa

Nasa ating mga kamay, nasa Diyos ang gabay

Kinabukasa’t karangalan ng bayan.

Refrain

Tulong, sama-sama, lahat magkaisa

Lungsod ng Valenzuela puno ng pag-asa

Isang umagang kay ganda

Sisikat na, sisikat sa Valenzuela

Repeat I, II and Refrain

Bridge : Mamamayang nagmamahal sa bayan

Refrain 2

Tulong, sama-sama, lahat magkaisa

Lungsod ng Valenzuela puno ng pag-asa

Tulong, sama-sama, lahat magkaisa

Lungsod ng Valenzuela puno ng pag-asa

Isang umagang kay ganda

Sisikat na, sisikat na, sisikat sa, Valenzuela

VICENTE HIGH

 Music and Lyrics by: John Redeemer DR. Prado

 

Iyong binuksan ang aming isipan

Minulat ang mga mata

Sa tunay na pag-asa

Hawak ang mga kamay

Mga guro ang siyang gabay

Sa bukas na pinapangarap

Pinadama ang iyong paglingap

 

Sa mga hirap at luha

Kilig at saya

Kaibigan na laging tapat

Punung-puno ng ala-ala

Pagkatao ay iyong pinanday

Tinuwid landas ng buhay

Ngayon kami’y nagpupugay

Sayo Vicente High

 

CHORUS:

Salamat sa’yo Inang Paaralan

Taglay ang iyong dangal

Bagwis sa aming pakpak

Kami ay lilipad patungo sa isang pangarap

 

Salamat sa’yo Inang Paaralan

Saan man mapadpad dala ang iyong tatak

Vicente High

 

CODA:

Vicente High tahanan ng aming saya

Vicente High mga guro at ulirang Ina

Vicente High alay sa’yo aming tagumpay

Saan man mapadpad dala ang iyong tatak

 

Vicente High..